Outburst (translation)

It is all up to you to translate this. Again, this is my online journal/blog and everything that I put here is based on what I am feeling and thinking as of the moment. I am not influencing anyone here, okay? Just remember that all of us have the RIGHT/FREEDOM to express our thoughts and feelings.

I will leave it here…

Sa kasalukuyan, nakakasawa nang makinig at manood ng balita lalo na tungkol sa nangyaring talumpati ng ating pangulo bago siya umalis patungong Laos. Eh, ano ngayon kung yun ang sinabi niya? Hindi ba totoo yun? Oo, may mali ang ating pangulo doon. Sana nga lang eh mas nagbigay siya ng detalyeng paliwanang o pinaliwanag niyang mabuti kung bakit ganun yung mga sinabi niya. Kaso, di ba may punto naman din siya? Siya kasi ang pangulo ng bansa natin, bakit siya sesermonan ng isang pangulo ng ibang bansa tungkol sa mga nangyayari sa bansa atin? Hindi na tayo sakop nila! Oo, makapangyarihan sila at malaki ang nagiging tulong nila sa atin (sa lahat ng aspeto).

Pero, sandali lang…

Bakit nila pinakikialalaman kung paano pinalalakad ng kasalukuyang adminstrayon ang ating bansa? Hindi ba sila nanonood o nakikinig sa ating mga balita na yung mga EJK na hindi sanggot ang mga operasyon na awtoridad eh pinaiimbistigahan? Tama naman ang ating pangulo na dapat ang inuuna nila ay yung kanilang bakod at huwag nilang pakialaman siya. Hindi ba ninyo napansin na nainsulto ang ating pangulo doon sa sinabi na “pagsasabihan DAW siya”. Naman! Tapos ngayon, sila pa ang may ganang magalit at “mainsulto” sa sagot niya?

Haaaaay…

Isa ba itong hindi pagkakaintindihan? Ewan ko! ANG SA AKIN LANG… Sana huwag na palakihin ang nangyari. Tapos na eh! Hindi ba pwede na magsalita ng masama laban sa pangulo ng isang makapangyarihang bansa? Oo, unang beses ata nangyari ito at mukhang hindi nila yun inaasahan. ANG SA AKIN LANG… Huwag na sana SUMAWSAW ang iba sa isyu na ito. Lalung lalo na yung mga kandidato sa pagiging pangulo ng Estados Unidos. Tigilan na po natin ito. Gisang-gisa na po siya, okay lang yun sa inyo? Oo, naging isang napakamalaking pagkakamali lang yun. Makakapag-usap din naman yung dalawa na yun balang araw (bago bumaba sa puwesto yung isa).

Sa ngayon, ibaling muna natin ang ating atensyon sa nangyayari sa ating bansa tulad ng paghahanap ng solusyon sa trapik, ang paghahanap ng trabaho at ang banta ng terorismo. Ito ang panahon para ipakita natin ang suporta sa ating gobyerno at siguro tumulong rin tayo sa kanila. Hindi lahat ay kaya nila. Marami tayo eh. Di ba sabi nga: SA ATIN DIN DAPAT MAGSIMULA ANG PAGBABAGO? Kaya tama na ang pag-aaway-away, ha? Magtulungan na lang tayo.

At para doon sa mga bumabatikos at hindi gusto ang kasalukuyang adminstrasyon, tama na po. Tumulong na lang po kayo para naging maunlad ang bansa natin. Pwede naman ho kayo umalis na lang ng ating bansa kung talagang ayaw po ninyo sa pamamalakad ng ating pangulo. Pasensiya na po kung yun po ang nasabi/nasulat ko kasi yun po ang nakikita ko ho eh. Kung ayaw, pwede naman pong umalis. Huwag na pahirapan ang sarili dahil sa stress na yan. Panget po ang nakasimangot!

Ito po ang una at huling sulat ko tungkol sa pulitika. Nakaka-toxic na po kasi eh.

Yun lang po.

Advertisements